ππππππππππ ππ ππππππππ ππππππ
Pebrero 02, 2025 | Linggo
Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo
πππππππ πππππππ
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.
Dβyos na makapangyarihaβy dakilang hari kailanman.
πππππ πππππππ
Malakias 3, 1-4
πππππππππ πππππππ
Hebreo 2, 14-18
ππππππππ ππππππ
Lucas 2, 22-40 o kaya Lucas 2, 22-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, βAng bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.β At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: βMag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.β
May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangalaβy Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hanggaβt hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siyaβy kinalong ni Simeon. Itoβy nagpuri sa Diyos, na ang wika,
βKunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
ππππππππππ
PAGNINILAY: Ang ating Kapistahan ngayon ng Pagdadala kay Hesus sa Templo ng Jerusalem ay tumatapat sa 40 araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Pagsilang niya noong Kapaskuhan. Itoβy naaayon sa tradisyon ng mga Israelita na ang bawat batang lalaki ay itatalaga sa Panginoon sa Templo, at magdadala ng mga magulang ng 2 kalapati para sa pagpapalinis ng ina. Kahit alam nina San Jose at Birheng Maria na ang sanggol na kanilang inaalagaan ay ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas, silaβy sumailalim sa Kautusang inilaan ni Moises.
Higit pa diyan ay ang pagkilala nina Simeon at Anna kay Hesus bilang Mesiyas hindi lang para sa mga Hudyo, kundi pati na rin sa mga Hentil. Bagamat silaβy matanda na sa edad, ipinangako ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu na makikita nila ang kanyang Anak sa Templo habang buhay pa sila. Kaya nga ang pagturing ni Simeon kay Kristo na βliwanag para sa lahatβ ay isinasagawa sa ating liturhiya sa pamamagitan ng pagbabasbas at pagprupruasisyon ng mga kandila.
Ang liwanag na hinangad ng dalawang matatanda ay mismong liwanag dala ng Panginoon sa ating mga buhay. Nais niya tayong sumunod sa kanya bilang Ilaw ng Sanlibutan upang hindi tayong palibutan ng mga kadiliman dulot ng kasamaan. Kung tayoβy magiging mababa ang kaloobam katulad ng ginawa ng Banal na Mag-anak at nina Simeon at Anna sa Templo, tunay na mayroon tayong makakamtan na sorpresa mula sa Diyos na di lingid sa ating kaalaman.
Mula kay Reynald Perez sa Awit at Papuri
ππππππππππ:
https://www.awitatpapuri.com/